292 - Sa Kaibuturan ng Puso Ko't Isip

Sa kaibuturan ng diwa ko't isip,
Nararamdaman ko ang awit
Ng isang tinig na nagmumula sa langit
Na kapayapaang matamis.

REFRAIN

Oh! kapayapaang,
Buhat sa Diyos sa kalangitan!
Ang dalangin ko'y lumagi kaylanman
Sa puso ko ay tumahan.

Kaylaking kayamanan ang kinakamtan
Sa himalang kapayapaan,
Sa loob ng puso ko iniingatan
Upang h'wag mawala kaylanman.

REFRAIN

Oh! kapayapaang,
Buhat sa Diyos sa kalangitan!
Ang dalangin ko'y lumagi kaylanman
Sa puso ko ay tumahan.

Ang kapayapaan ni Jesus na kasi
Ay Siyang lagi kong sakbibi
Siya ang kalasag ko sa araw, gabi,
Na ginagamit kong parati.

REFRAIN

Oh! kapayapaang,
Buhat sa Diyos sa kalangitan!
Ang dalangin ko'y lumagi kaylanman
Sa puso ko ay tumahan.

Ang kapayapaa'y lalong malulubos
Pagdating ko sa bayan ng Diyos;
Doo'y ang awitan ng mga tinubos
Kapayapaang di masayod.

REFRAIN

Oh! kapayapaang,
Buhat sa Diyos sa kalangitan!
Ang dalangin ko'y lumagi kaylanman
Sa puso ko ay tumahan.

0:00 0:00